napapadalas ang pag uwi naming magkakapatid sa probinsya nitong mga nakaraang araw dahil sa nagkaroon ng malubhang sakit ang aming nanay. despite our heavy individual workloads, we make sure that at least one of us would go home every weekend para asikasuhin ang nanay namin, samahan siya sa mga doctor, at bilhan ng mga gamut. kaming lahat naniwala na when it comes to family matters, everything else are trivial.
nuong ako na ang nagbabantay sa nanay ko, okay naman dahil stable na yung condition niya at di na madami yung mga bawal. in fact, nakakapagbiro na nga siya at paminsan minsan nangungulit. “may nagawa siguro akong tama sa buhay ko dahil may anak akong tulad mo.”
nabanggit niya ito sa akin nuong hinahanda ko na ang mga gamot niya bago matulog. di ako nakaharap sa kanya nung mga oras na iyon, kaya di ko alam kung nagbibiro ba siya. so, kunyari di ko lang narinig. siyempre maski sinong sabihan ng ganun ay matutuwa (no matter what the context was or no matter how untrue), so masaya naman ako na makarinig ng ganun mula sa nanay ko.
sabi pa niya: “alam ko na napapagod ka na, anak. maski na hindi ka mahilig magkuwento tungkol sa trabaho mo o sa kung anumang nangyayari sa maynila, alam ko na madami ka ring pinagdadaanan. minsan, hayaan mo nalang ang mga kapatid mo… at kami ng tatay mo. hindi mo naman kami kailangang alalahanin sa bawat oras dahil okey lang kami. gusto ko na sumaya ka anak. madami ka nang ginawa para sa amin, minsan gumawa ka naman ng mga bagay para sa sarili mo. lumayo ka minsan, magbakasyon ka at magpahinga ng matagal.”
sabi ko: “ayos lang po ako. huwag na kayo masyado mag isip. sa ngayon, kelangan niyon magpagaling muna. pag magaling na kayo, saka ko iisipin ang mga sinasabi niyo.”
so, sabi niya: “sige na, gagawin ko ang lahat para gumaling agad. ipangako mong magbabakasyon ka ha. hindi mo kelangang sabihin kung saan at kung kelan. basta importante makapagpahinga ka.”
sabi ko naman:”opo. magbabakasyon ako sa ibang bansa pag gumaling na kayo, wag po kayo mag alala. balak ko talagang mamasyal ng mag isa sa abroad at mag palagay ng tattoo ngayong taon.”
sabi niya: “tattoo? ahmm.. sige pero dapat yung magandang design lang anak ha.”
7 comments:
bakit parang may kutob akong may kinalaman si johnny depp sa iyong magiging tato? :P
sana gumaling agad ang nanay mo. naalala ko tuloy nung sinubaybayan ko ang lolo ko for 3 weeks sa ospital, at ngayon naman lola ko.
sana rin isama mo sa itinerarya mo ang new york. maghihintay kami ni miss iggy. :)
(o mas mauna pa akong makita ka sa pinas sa mayo) :P
salamat. medyo gumagaling naman yung nanay ko, sa awa ng diyos. mukhang mapapaaga ang bakasyon ko. hehe.
at tama ka... me kinalaman nga kay johnny depp ang gusto kong tattoo.. kaibigan talaga kita :P
uwi ka nga? yay! mauuna siguro kitang makita. mamasyal tayo ng bongga ha! :)
get well soon kay nanay. gusto ko rin magpatato sa baba ng batok. bakasyon tayo sa mayo. =)
tara!
tara! kahit boracay or bohol masaya na ako. haha
Sana gumaling na ang nanay mo. Alam mo bang parang kumirot ng sandali (sandali lang!) ang puso ko pagkatapos kong mabasa ito kasi naalala kong bigla ang mga magulang ko. Antagal ko nang di nakakauwi, nagtatampo na nga yata sa akin. Sa huling sentence mo, napangiti ako. Yehey, may go-signal na! hahaha
@sreisaat: yes me go signal na! haha!
@connie: when you come home on may, sana mag allot ka ng vacation date with me and ging. hehe :)
Post a Comment