Sunday, November 07, 2010

such thing as magic

matagal tagal na din sa akin ang digital camera na ito pero lately ko lang medyo na-explore yung features niya. so, nung madiscover ko yung 'magic features' niya, natuwa naman ako. kinuha ko itong litrato somewhere sa isang bayan sa south cotabato.

since the last time na nagsulat ako dito sa blog, medyo marami na rin akong mga napasyalan (nakarating na ako ng bataan, camarines sur, hongkong, macau, clark, subic, cebu). pero sa socsargen yata ako lubusang nag enjoy. ewan ko ba pero parang isa siya sa mga lugar na naimagine kong pwede akong manirahan pag magpasiya akong magretire. siguro dahil simple ang buhay duon - tahimik ang paligid, malamig ang hangin, malinis ang mga kalsada, walang polusyon, malaki ang buwan at maraming bituin sa langit pag gabi. isama na rin natin ang magandang airport.

1 comments:

fortuitous faery said...

ahhh south cotabato, land of durian and DOLE (na pinya)!

i see something magically hanging on the tree...or is it just me? :P